Sa totoo lang, wala akong ideya kung bakit ako nasa harap ng monitor na ‘to at pilit na gumagawa ng isang bagay na parang ang tagal ko ng hindi nagagawa. Para tuloy akong tanga. Ang tagal ko muna kasi ito tinitigan,kinikilala. At nung nagkapalagayan na kami ng loob ng monitor na ito,hayun sinimulan ko na ang pag-aaksaya ng neurons (ayan na nga ba ang sinasabi ko,nagagamit ko na ang neurons!).
Wala naman kasi akong konkretong dahilan kung bakit ko gusto magsulat. At kung bakit tagalog ang gusto ko gamitin. Wala rin akong alam kung anung ideya ang mabubuo ng gagawin ko kaya kung wala ‘tong sense,malamang d na ako magugulat. Isa lang kasi ang nasa isip ko, may gusto akong sabihin. Marami,maraming marami. Pero kung papaano magsisimula at kung saan, ayun ang hindi ko mahanap. Pero sisimulan ko ang lahat ng ‘to sa pamagat, ang gusto ko. Ang totoong gusto ko. Isa lang naman talaga ang nagpapasaya sa akin,ayun ay ang magsulat,magsulat at magsulat (kahit pumipindot lang ako ngayon!) syempre bukod sa pinakakamamahal kong pagkain at tulog. Kaya magsusulat ako. Wala naman nakakabasa nito kung hindi ang isang taong bigla kong napagsabihan. Hahaha.
Sa taong ‘to, ang daming nagbago sa buhay ko, bilang estudyante,bilang anak, kapatid, nangagarap na manunulat at maging bilang isang lalaking nagmamahal. (Hahaha. Nararamdaman ko na ang pagkorny ng ginagawa ko.) Pero kung may isang bagay akong gusto kong ipagmalaki, ito ay ang pag-alis sa mundong ilang beses ko ng iniiwasan. Sa wakas, kanina lang ay nagawa ko ng tuluyang umalis. At ang nakakapagtaka, wala man lang akong naramdamang lungkot o panghihinayang. Isa yung history ng buhay ko. Hahaha.
Matagal na rin mula nung una ko yun nakita. Hindi ko naman idedeny, naging masaya at nag-enjoy talaga ako sa mundong yun. Bakit hindi kung ang dami mung nakikilala. Mga taong sa pagkagulat mu ay makikita mu sa mundong yun. Mga taong ilang beses ring nagpakilig at nagpatawa sa’yo. Oo, kinikilig rin naman ako. Hahaha. Pero bakit ko nga ba pinili na umalis? Hmmm.. Ang dahilan? Ayun hanggang nagyon ay nawawala. Kapag nakita ko,sasabihin ko agad sayo.
Marami akong teorya(hahahaha!natawa ako sa naisip kong salita) kung bakit ko yun nagawa.
Una, marahil napagod na ako sa pagtikim ng iba’t ibang putahe na handa ng mundong yun. Sabi nga ng paborito kong lola, ang isang bagay daw na hindi naman talaga para sa’yo kahit gaano kasarap ang naidudulot darating ang araw na makakaramdam ka ng pagkakulang. Tama siya. Kasi naman kashit gaano kakailig ang maramdaman ko,kulang pa rin. Kulang na kulang. Kumbaga sa pagakain, may kulang na ingredients na syang gusto ko. (Parang puro pagkain ah!). Kaya ng maramdaman ko na ang pagkasawa, pinili ko ng layuan ang buffet na matagal ko ring kinainan.
Pangalawa, may isa akong nakilala. O hindi agad yan lablyp! Hahaha. Wala pa nga eh at hindi ko alam kung magkakaroon. Hahaha. (parang puro ako tawa!) At ang pinakanagugulat,dun ko sya nakilala. Pero ang kaibahan kasi, ang sarap nya. Hahahaha. Kausap. Isa siya sa mga taong may sense na nakausap ko. At ang pinakamashocking na nangyari, naging magkatext kami ng dalawapu’t dalawang oras. Imagine? Ganun katagal. Sabi ko nga,world record yun. Kung sa iba,madali lang yun aba! sa akin ay hindi. At hindi yun ‘yung tipong walang kwenta. Naging masaya ang pag-uusap na yun. At hanggang ngayon, patuloy parin kami magkatext. Hindi nauubusan ng pinag-uusuapan. Oo na, hindi ko pa nasasabi ang connection nya sa ginawa ko. Basta may koneksyon sya. Hindi ko palang mahulaan kung ano pero may kutob na ako. Hahaha. Ayoko muna ishare. Baka kasi. Hahaha.
Pangatlo, masaya ako ngayon. Pero hindi ko parin maiconnect ito dun sa ginawa ko. Hahahaha. Dati masaya rin naman ako. Basta iba,iba.
Ito na, nawawala na naman ako. Hindi na ako makahanap ng mga salita. Tumatakas na naman sila. At hindi ko na mahabol. Well basically nasabi ko na naman gusto ko sabihin. Hahaha.
Ang gusto ko gawin bukod sa kumain,matulog, magbasa, magsulat. Hahaha. Siya.
Monday, July 20, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)